MOA SIGNING WITH EYECAREMD GROUP
Good news po sa ating lahat! Pormal po tayong lumagda sa isang Memorandum of Agreement (MOA) kasama ang EyecareMD Group para mas mapalawak ang access ng ating mga kababayan sa dekalidad na serbisyong pangangalaga sa mata.
Ang EyecareMD Group ay isa sa mga nangungunang providers ng ophthalmic services sa Pilipinas, na binubuo ng mga board-certified ophthalmologists, general ophthalmologists, at iba’t ibang eye care subspecialists. Sa pamamagitan ng partnership na ito, mas marami pang Hermoseño ang makikinabang sa mga programang nakatuon sa maagang pagsusuri, paggamot, at pangangalaga sa kalusugan ng mata.
Kasama po natin sa MOA signing sina Dr. Warren Valencia, Municipal Health Officer, at Konsehala Gelly Santos.
SAMA-SAMA SA PAGLIPAD NG HERMOSA!
#LipadHermosa
#1Bataan
CLICK HERE: https://www.facebook.com/share/p/1GmHXAiPG8/