
Mga Programa at Proyekto mula sa Senado , para sa bawat Hermoseño!
February 28, 2023 – Senate of the Philippines, Pasay City
Nagpunta tayo sa Senado ngayong araw upang bisitahin at makipagpulong sa ating mga kaibigang Senador, kabilang na si SENATE PRESIDENT JUAN MIGUEL “Migz” ZUBIRI , upang makapag-parating ng mas marami pang programa at proyekto para sa taong 2023 sa Bayan ng Hermosa.
Ramdam natin ang suporta at pagkalinga sa ating Bayan ng ating mga mahal at ginagalang na mga Senador kabilang na sina SENATOR JV EJERCITO, SENATOR BATO DELA ROSA, SENATOR NANCY BINAY at SENATOR BONG REVILLA at nag one-on-one lunch tayo kasama siyempre si SENATE PRESIDENT MIGZ.
Nagkaroon din tayo ng pagpupulong sa Kongreso kasama si CONG. ABET GARCIA upang pag-usapan ang mga ginagawang proyekto natin sa imprastraktura.
Tuloy-tuloy sa Pag-asenso, Bayan ng Hermosa!
Maraming Maraming Salamat sa ating mga Senador sa inyong suporta para sa mga programa ng LIPAD HERMOSA!
#LipadHermosa 

#1Bataan 
