MGA MAGSASAKA KASAMA SA PATULOY NA PAGLIPAD NG HERMOSA TUNGO SA PROGRESO
Balanga City, Bataan – Marso 7, 2024
Bitbit ang pag-asa at kinabukasan para sa mga magsasaka ng Bataan, personal na binisita at binigyan ng agricultural assistance ni Department of Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. ngayong araw sa The Bunker, Balanga City, Bataan.
Pinuri ni Secretary Laurel Jr. ang ating mga magsasaka sa Hermosa dahil sa kanilang mga programa sa agrikultura, at naglaan ng Php. 38,077,871.98 para sa New Hermosa Association. Ipinakita rin ng ating lingkod ang mga accomplishment report ng mga magsasaka sa ating bayan.
Kasama natin sa pagbisita sina Gob. Joet Garcia, Bise Gob. Cris Garcia, Kongresista Abet Garcia, Kongresista Gila Garcia, ang Alkalde ng Limay, Bataan na si Nelson David, at ang Presidente ng BPSU, Dr. Ruby Matibag.
Binigyang-diin din ni Sec. Laurel Jr. ang proyektong Zero Kilometer Project ng ating probinsya na makakatulong sa mga programa sa agrikultura. Sa proyektong ito, magagawan natin ng solusyon ang suplay ng pagkain at maipagpapatuloy ang pag-unlad ng kapaligiran at ekonomiya.
Maraming salamat sa Department of Agriculture sa kanilang tulong!
SAMA-SAMA SA PAGLIPAD NG HERMOSA!
#LipadHermosa 🚁
#1Bataan☝🏻