Mga Kagamitan sa pag-aaral at pagtuturo, ipinamahagi sa Hermosa
Enero 10, 2025 – Hermosa, Bataan
Sa pangunguna ni Mayora ANNE INTON, bilang kinatawan ng inyong lingkod, sinimulan natin ang taon sa makabuluhang proyekto para sa edukasyon. Ipinamahagi ang iba’t ibang kagamitan sa mga paaralan sa Hermosa sa ginanap na aktibidad sa Hermosa Elementary School, na dinaluhan ng mga guro, kawani, at opisyal ng paaralan, kasama si Hermosa District Supervisor Ma’am Arlene Carlos.
Kabilang sa mga naipamahagi ang:
• 9 Televisions
• 4 Air Conditioning Units
• 3 “Lifetime” Tables
• 2 Printers
• 2 Sofa Sets
Ang mga kagamitang ito ay magagamit ng mga mag-aaral at guro upang higit pang mapabuti ang kalidad ng edukasyon sa ating bayan.
Maraming salamat sa lahat ng tumulong at sumuporta upang maisakatuparan ang proyektong ito. Sama-sama nating gagawing mas maayos, komportable, at epektibo ang proseso ng pagkatuto para sa ating kabataan.
SAMA-SAMA SA PAGLIPAD NG HERMOSA!
#LipadHermosa #Hermosa #1Bataan #Bataan