Skip to main content

MGA KABABAIHAN SA HERMOSA BIDA NGAYONG NATIONAL WOMEN’S MONTH

Sa pakikipagtulungan ng lokal na pamahalaan ng Hermosa, ipinagdiwang ang National Women’s Month sa pamamagitan ng isang tatlong-araw na seminar mula Marso 20 hanggang 22. Ang tema ng pagdiriwang ay “Lipunang Patas sa Bagong Pilipinas: Kakayahan ng Kababaihan Patutunayan!” at personal na dinaluhan ni Mayora ANNE INTON ang nasabing okasyon na ginanap sa Peninsula de Bataan Resort and Hotel.
Sa seminar na ito, nilahad ang mga diskusyon tungkol sa online marketing strategy at product promotion, mental health awareness, at cybersecurity awareness. Nakilahok sa seminar na ito ang mahigit 318 na indibidwal mula sa iba’t ibang sektor tulad ng mga miyembro ng KALIPI, Ina ng Hermosa, PWD, Solo Parent, Day Care Workers, Barangay Health Workers, at mga opisyal ng VAMC.
Kasama rin sa mga nakiisa sa seminar ang mga kinatawan mula sa iba’t ibang ahensya tulad ng DICT Provincial Head na si Gerald M. Calamaan, MSWDO Head na si Chasmalin Francisco, Mental Health Awareness Focal ng Hermosa na si Mary Ann Dabu, at mga taga-DOH Region 3 na sina Christopher Leo Flores at John Peter Passion.
Ang pagtitipon na ito ay nagpapakita ng patuloy na pagsuporta at pagpapahalaga ng pamahalaan ng Hermosa sa mga kababaihan, pati na rin ang pagbibigay-halaga sa kanilang mga kakayahan at kontribusyon sa lipunan.
SAMA-SAMA SA PAGLIPAD NG HERMOSA!
#LipadHermosa 🚁
#1Bataan ☝🏻

« of 2 »

Official Website of Municipality of Hermosa