MGA BATANG HERMOSENO, READY NA BA KAYO?
October 28, 2026 – Hermosa, Bataan
Mga chikiting, maghanda na dahil isang magical adventure ang naghihintay sa inyo! Narito na ang mga pinaghandaang Disneyland-themed designs ng bawat tanggapan sa ating munisipyo! Bukas po ito para sa lahat ng ating mga batang Hermoseno, at kahit anong costume ng inyong paboritong character ay puwedeng-puwede!
Kaya isuot na ang inyong pinakamagandang costume, ihanda ang inyong trick-or-treat bags, at samahan kaming maglibot sa bawat palapag ng Hermosa Municipal Hall mula ground floor hanggang fourth floor!
Kita-kits bukas, October 29, 2026, sa ganap na alas-9 ng umaga sa Hermosa Municipal Hall. Anong Disney character ang pinakagusto ninyong makita? Excited na ba kayo sa inyong magical Halloween adventure?
#LipadHermosa #1Bataan #HermosaBataan #DisneylandTrickOrTreat
CLICK HERE: https://www.facebook.com/share/p/1DtDqJS9FB/









