MGA BARANGAY SA HERMOSA, WAGI SA 1BATAAN SEAL OF HEALTHY BARANGAY
March 10, 2026 – Balanga City, Bataan
Malugod po nating binabati ang mga barangay sa ating bayan na nagwagi sa 1Bataan Seal of Healthy Barangay para sa mga buwan ng Setyembre hanggang Disyembre 2025. Bilang pagkilala sa kanilang mahusay na pagpapatupad ng mga programang pangkalusugan sa komunidad, tumanggap po ang bawat nagwaging barangay ng ₱50,000 kada buwan bilang insentibo sa kanilang natatanging performance sa pangangalaga sa kalusugan ng mga mamamayan.
Kasabay nito, binigyan din po ang lahat ng barangay ng karagdagang laptop mula kay Joet Garcia, na magagamit sa pag-eencode at mas maayos na pamamahala ng mahahalagang datos sa kalusugan, kabilang na ang Bataeno Pass.
Muli, taos-puso po nating binabati ang lahat ng nagwaging barangay. Patuloy po nating palakasin ang mga programang nagtataguyod ng malusog at maunlad na komunidad para sa bawat Hermoseno.
SAMA-SAMA SA PAGLIPAD NG HERMOSA!
#LipadHermosa #1Bataan
Click here: https://www.facebook.com/share/p/1AyzcLoVpz/

