Skip to main content

MGA BARANGAY SA HERMOSA , WAGI SA 1BATAAN SEAL OF HEALTHY BARANGAY!

Taos-puso po nating binabati ang mga barangay ng Hermosa na nagwagi sa 1Bataan Seal of Healthy Barangay Program.
Bilang pagkilala sa kanilang mahusay na pagpapatupad ng mga programang pangkalusugan at sa kanilang dedikasyon sa pagtataguyod ng kalusugan ng kanilang mga nasasakupan, ang bawat nagwaging barangay ay makatatanggap ng ₱50,000 na insentibo para sa bawat buwang kanilang napanalunan.
Patunay po ito ng matatag at epektibong kampanya ng ating mga barangay sa pagsusulong ng kalusugan at kapakanan ng mamamayan. Ang mga pagkilala at insentibo ay tinanggap nina Konsehala Gelly Santos, kasama ang mga Barangay Captain at Barangay Health Workers ng mga nagwaging barangay.
Narito po ang mga nagwagi sa nasabing programa:
January Winners:
1. Hermosa (A. Rivera, Bamban, Burgos Soliman, Cataning, Daungan, Mabiga, Mambog, Maite, Palihan at Pulo)
February Winners:
1. Hermosa (A. Rivera, Bamban, Cataning, Mabiga, Mambog, Palihan at Pulo)
SAMA-SAMA SA PAGLIPAD NG HERMOSA!
#LipadHermosa
#1Bataan

CLICK HERE: https://www.facebook.com/share/p/1KNvv9Tk4P/

Official Website of Municipality of Hermosa