Mga Bagong SPTA Members at SPG Officers ng Balsik Elementary School, Nanumpa na
Pinangunahan ni Mayora ANNE INTON katuwang ang inyong lingkod sa panunumpa ng mga bagong miyembro ng samahan ng SPTA at mga opisyales ng SPG sa Balsik Elementary School.
Nakasama din natin sa programang ito si Kap. Jerry Asuncion kasama ang ilang mga teachers ng paaralan.
Nawa’y magsilbing inspirasyon tayong lahat sa ating kapwa mag-aaral at maging ehemplo ng kabutihan at integridad. Sa pagkakaroon ng tiwala at pagmamahalan sa isa’t isa, magkakaroon tayo ng pagkakataon na gawing mas makabuluhan ang ating paaralan at ang ating komunidad.
Patuloy tayong magtulungan at magkaisa para sa ikauunlad ng ating paaralan at ng buong komunidad.
Mabuhay ang SPTA at SPG ng Balsik Elementary School!
#LipadHermosa 🚁
#1Bataan ☝️