Skip to main content

MENTAL HEALTH AWARENESS AND PSYCHOSOCIAL SUPPORT LECTURE SA MGA PAARALAN

Sa pangunguna ng LIPAD Kalinga – Community Mental Health Program ng Bayan ng Hermosa, patuloy nating inilalapit ang kaalaman, pag-unawa, at suporta sa mental health sa ating mga paaralan at komunidad.

Isinagawa ang Mental Health Awareness and Psychosocial Support Lecture para sa mga teaching at non-teaching personnel ng:

  1. Mabiga Integrated School at Parapal Elementary School

Setyembre 29, 2026

  1. Hermosa National High School

Setyembre 30, 2026

  1. Pandatung Elementary School at Sumalo Integrated School

Oktubre 1, 2026

Mahalaga ang mental health, lalo na sa mga taong araw-araw na gumagabay, nagtuturo, at nagmamalasakit sa ating mga kabataan. Sa pamamagitan ng mga ganitong programa, nais nating mas mapalawak ang pag-unawa sa mental health, matutunan ang mga paraan ng prevention at early intervention, at higit sa lahat, maiparamdam sa bawat isa na hindi natin kailangang harapin nang mag-isa ang mga pinagdaraanan natin.

Patuloy ang pakikipag-ugnayan ng LIPAD Kalinga sa mga paaralan at iba’t ibang sektor ng komunidad upang mailapit ang psychosocial support at iba pang serbisyong makatutulong sa mga guro, school personnel, mag-aaral, at kanilang mga pamilya.

Dahil sa Hermosa, mahalaga sa atin ang bawat tao. May nakikinig. May nakauunawa. May handang kumalinga.

Abangan ang mga susunod pang Mental Health Lectures sa iba’t ibang paaralan sa Bayan ng Hermosa.

Patuloy tayong makinig. Patuloy tayong umunawa. Patuloy tayong kumalinga. 💙

#LIPADKalinga #MunicipalityOfHermosa #MentalHealthAwareness #PsychosocialSupport

#SchoolMentalHealth #MentalHealthPromotion #MentalHealthMatters #SamaSamaSaPaglipad

 

 

CLICK HERE: https://www.facebook.com/share/p/19nnJPct5U/

Official Website of Municipality of Hermosa