MENTAL HEALTH AWARENESS AND PSYCHOSOCIAL SUPPORT LECTURE SA MGA PAARALAN
Ngayong araw, Oktubre 16, 2026, Biyernes, nagpunta ang LIPAD Kalinga – Mental Health Program sa St. Peter of Verona Academy Inc. (SPVAI) upang ipagpatuloy ang Mental Health Awareness and Psychosocial Support Lecture para sa mga teaching at non-teaching personnel ng nasabing paaralan.
Tinalakay ni Dr. Geofrey Jorge ang mga kaalaman upang palakasin ang pag-unawa sa mental health, itaguyod ang pangangalaga sa sarili, at palakasin ang kakayahan ng mga guro na makapagbigay ng suporta sa kanilang mga mag-aaral.
Patuloy ang aming programa sa pakikipag-ugnayan sa mga paaralan at komunidad upang makapaghatid ng mga serbisyong makatutulong sa mental health.
Abangan ang mga susunod pang Mental Health Awareness and Psychosocial Support Lectures sa iba’t ibang paaralan sa Bayan ng Hermosa.
Malaya ang Isip. Matatag ang Damdamin. Sama-sama sa Paglipad. 💙
#LIPADKalinga #MentalHealthAwareness #HermosaBataan
CLICK HERE: https://www.facebook.com/share/p/1CG7vrrjUj/








