MEN’S HEALTH SA BAYAN NG HERMOSA PARA SA ATING MGA MAGSASAKA
October 9, 2026 – Hermosa, Bataan
Day off muna mula sa bukid para sa ating masisipag na magsasaka. Bilang pagkilala sa kanilang mahalagang ambag sa ating komunidad, nagsagawa po tayo ng programang pinangunahan ng Municipal Health Office na naghatid ng libreng medical check up, health screening, haircut services, pamamahagi ng vitamins, at Men’s Health Tokens.
Sa kabila ng kanilang araw-araw na pagsusumikap sa bukid, mahalaga rin pong mabigyan ng oras ang kanilang sariling kalusugan at kapakanan.
Nakasama po natin sa programang ito sina Bokal Mylene Serrano, Konsehala Gelly Santos, Konsehala Jinkee Alonzo at Konsehal Jason Enriquez para sa alagang pangkalusugan para sa mga haligi ng ating agrikultura!
#LipadHermosa #1Bataan #HermosaBataan
CLICK HERE: https://www.facebook.com/share/p/19epW1PQs6/









