MEMORANDUM OF UNDERSTANDING SA PROGRAMANG BE CAREFUL, NILAGDAAN NA!

July 27, 2022- Hermosa, Bataan
MEMORANDUM OF UNDERSTANDING SA PROGRAMANG BE CAREFUL, NILAGDAAN NA!
BE CAREFUL- “Barangay Empowerment on Child Abuse Resistance and Elimination Fight Unlawful Lewd Design”
Dumalo ngayong umaga ang inyong lingkod, sa isinagawang Provincial Weekly Enhanced Managing Police Operations Meeting ng Bataan Police Provincial Office sa Punta Belle Resort, Brgy. Mabiga, Hermosa, Bataan.
Kasama dito ang buong pamunuan ng Bataan PPO sa pamumuno ni Police Col. Romell Velasco, Provincial Director at ang kanyang directorial staff, police chiefs at nagsilbing host ang Hermosa Police sa pamumuno ni Police Major Emerson Coballes.
Dumalo rin sila Hermosa Vice Mayor Patrick Rellosa, SB Members Jason Enriquez, Lou Narciso at Hermosa SK Fed. President Bea Lim at mga representante at stakeholders mula sa iba’t ibang sektor at mga Punong Barangay ng Hermosa.
Sa naturang pulong ay inilahad ng pamunuan ng Hermosa Police ang mga naging matagumpay na accomplishments nito at pinasalamatan ang mga naging malaking tulong at ambag ng LGU-Hermosa sa pagpapanatili ng peace and order situation ng Bayan ng Hermosa.
Bilang tugon ay inisa-isa naman ng inyong lingkod ang lahat ng mga major projects ng LGU-Hermosa para sa patuloy na progreso at pag-unlad nito kabilang na ang pagtatayo ng mga bagong police stations at iba pang suporta sa mga programa ng kapulisan.
Nagsagawa rin ng briefing, launching at paglagda sa Memorandum of Understanding sa programang BE CAREFUL o ang Barangay Empowerment on Child Abuse Resistance and Elimination Fight Unlawful Lewd Design.
Sama-sama sa patuloy na paglipad ng Bayan ng Hermosa!
#LipadHermosa 🚁
#1Bataan ☝️

« of 2 »

Mission

To Create a Positive Environment for Sustainable Development through Continuous Improvement and Innovation in Inclusive Governance and Responsible Citizenship.

Vision

By 2030, Hemosa will be a Prime Investment and Agro-Industrial Hub with Empowered Active Citizenry coupled with capable and responsible Leaders Geared towards Sustainable Development, Disaster-Resilient, and Adaptive to Climate Change.

Municipality of Hermosa Province of Bataan

  • (047)-300-6750/ 0917-844-3453

  • Office Hour:
    Mon - Fri: 8am - 5pm

  • Brgy. Burgos-Soliman St
    Hermosa, Philippines 2111

QUICK LINKS

EMERGENCY HOTLINES

  • POLICE STATION

    • 0998-598-5360
    • 0995-324-1873
  • FIRE STATION

Copyright © 2020. Municipality of Hermosa, Province of Bataan. All rights reserved. Powered by:
Official Website of Municipality of Hermosa