MEDICAL CARAVAN SA BRGY. PALIHAN
September 26, 2026 – Hermosa, Bataan
Muli pong nagpapatuloy ang ating lingguhang Medical Caravan para mailapit ang libreng serbisyong pangkalusugan sa ating mga kababayan. Ngayong Sabado, nasa Brgy. Palihan naman po tayo.
Patuloy na umaandar ang Hermosa Mobile Clinic – Serbisyong On the Go para sa bawat pamilyang Hermoseño, kung saan maaaring makatanggap ng iba’t ibang libreng serbisyong pangkalusugan.
Maraming salamat po kina Konsehala Gelly Santos, Dr. Warren Valencia, sa ating mga RHU doctors at staff, mga katuwang na ahensya, at mga programang patuloy na tumutulong upang mailapit ang serbisyong pangkalusugan sa bawat barangay.
CLICK HERE: https://www.facebook.com/share/p/19VhJdd3mL/









