MEDICAL CARAVAN SA BRGY A. RIVERA, BURGOS AT DAUNGAN
October 24, 2026 – Hermosa, Bataan
Patuloy po ang paghahatid ng serbisyong pangkalusugan sa ating mga kababayan sa pamamagitan ng Serbisyong On-the-Go Medical Caravan, na isinagawa sa Hermosa Covered Court para sa mga residente ng mga karatig na barangay, partikular sa A. Rivera, Burgos, at Daungan.
Kasama po natin sa programang ito sina Konsehala Gelly Santos, Dr. Warren Valencia, ang mga doktor at kawani ng Rural Health Unit (RHU), at ang iba pang katuwang na ahensya na patuloy na nagbibigay ng serbisyong medikal sa ating mga kababayan.
#LipadHermosa #1Bataan #HermosaBataan
CLICK HERE: https://www.facebook.com/share/p/1DstkTJTnY/









