Skip to main content

MEAT PROCESSING & PACKAGING DEMONSTRATION March 26, 2026 – Orani, Bataan

Sa pangangasiwa ng Municipal Agriculture Office, matagumpay na isinagawa ngayong araw ang meat processing and packaging demonstration na layuning magbigay ng karagdagang kaalaman at kasanayan sa ating mga kababayan.

Ang nasabing aktibidad ay nagsisilbing oportunidad upang matutunan ang mga praktikal na pamamaraan sa pagpoproseso at pagpa-pack ng karne, mga kasanayang maaaring maging puhunan at simula ng sariling kabuhayan o negosyo.

Dinaluhan ang programa nina Jinkee Alonzo at Boyet Yandoc, na patuloy na sumusuporta sa mga inisyatibong naglalayong palakasin ang kabuhayan at kakayahan ng mga residente.

Sama-sama sa Paglipad ng Hermosa!
#LipadHermosa #1Bataan

CLICK HERE:https://www.facebook.com/share/p/1ApR2hfsCe/

Official Website of Municipality of Hermosa