MAY PASOK NA BUKAS | AUGUST 12, 2026
Dahil sa inaasahang mas maayos na lagay ng panahon bukas, may pasok na po sa lahat ng antas ng paaralan at balik-trabaho na rin ang mga kawani ng Pamahalaang Bayan ng Hermosa.
MALIBAN SA:
1. Pulo Elementary School – Ayon sa abiso ng school principal, kung may mga mag-aaral na makapapasok bukas, nakahanda naman po ang paaralan na tanggapin sila dahil nalinis na ng ating mga guro ang kanilang mga silid-aralan.
Gayunman, kung may mga mag-aaral na hindi pa makalalabas ng kanilang mga tahanan dahil may baha pa sa kanilang lugar, pinapayuhan po silang huwag munang pumasok at unahin ang kanilang kaligtasan.
2. Almacen Elementary School – Hindi muna papapasukin ang mga mag-aaral dahil mayroon pa ring tubig-baha sa paligid ng paaralan. Gayunman, papasok ang non-teaching personnel upang ipagpatuloy ang mga kinakailangang gawain sa paaralan.
Para sa kaligtasan ng lahat, patuloy po nating bantayan ang lagay ng panahon at mag-ingat sa pagpasok at pagbiyahe.
Sa ating mga mag-aaral, mag-aral nang mabuti at galingan! Ingat, mga anak! Kita-kits bukas!
SAMA-SAMA SA PAGLIPAD NG HERMOSA!