Skip to main content

May 13, 2025 – Hermosa, Bataan

Sa bisa ng memorandum na ibinaba ng Office of the Municipal Administrator, ginanap ang ating Flag Ceremony ngayong Martes sa pangangasiwa ng Hermosa Public Market and Trade Center Office.

Kasabay nito, ipinakita ng ating Pamahalaang Bayan ang pakikiisa sa paggunita ng Ease of Doing Business (EODB) Month — isang pambansang inisyatiba na naglalayong wakasan ang red tape, pabilisin ang mga proseso sa pamahalaan, at higit pang paghusayin ang kalidad ng serbisyo-publiko sa buong bansa, alinsunod sa Proclamation No. 818, s. 2025 na inilabas ng Opisina ng Pangulo.

Ating simulan ang linggo nang may pagsusumikap maging mabuti at tapat sa ating mga tungkulin bilang kapamilya, kaibigan, at mamamayan ng ating minamahal na Bayan ng Hermosa.

SAMA-SAMA SA PAGLIPAD NG HERMOSA!
#LipadHermosa #Hermosa #1Bataan #Bataan

Official Website of Municipality of Hermosa