Skip to main content

MATAGUMPAY NA SIMULA PARA SA MAYOR’S CUP 2024

Agosto 11, 2023 – Hermosa, Bataan
Upang isulong ang kalusugan at angking galing ng ating mga kababayang atleta sa Bayan ng Hermosa, atin pong pinangunahan ang pagsisimula ng Mayor’s Cup 2024.
Bilang pagpapakita ng pagsuporta sa ating hangarin, dumalo rin sa pagsisimula ng torneyo si MAYORA ANNE INTON, Pusong Pinoy Partylist Representative na si Congressman Jett Nisay, maging ang mga miyembro ng Sangguniang Bayan at mga Chairman ng Sangguniang Kabataan.
Kasama rin sa mga dumalo si Bb. Hermosa Pauline Rodriguez at ang magiging kinatawan ng ating bayan sa Mr. Bataan Tourism 2024, Dallen Kiah Santos.
Gaganapin ang lahat ng laro ng Basketball at Volleyball sa Hermosa Covered Court.
Sama-sama nating saksihan ang galing ng mga manlalaro mula sa ating mahal na Bayan ng Hermosa.
– !
#MayorsCup2024 #LipadHermosa #Hermosa #1Bataan #Bataan

« of 2 »
Official Website of Municipality of Hermosa