Matagumpay na pagtatapos ng mga magsasaka ng Farm Business School
Personal na dinaluhan ng inyong lingkod ang matagumpay na pagtatapos ng mga magsasaka ng Farm Business School (FBS) na pinangunahan ng Balsik Agrarian Reform Beneficiaries Association (BARBA) Chairman Darwin Bonagua kasama si Municipal Agriculture Officer, Vincent Mangulabnan na ginanap sa Sitio Pinagpala, Balsik, Hermosa, Bataan.
Ang pag-aaral na ito ay para mapalakas ang kanilang kaalaman sa pagnenegosyo sa agrikultura. Ito rin ay naglalayong ipakita ang kanilang tagumpay at pag-unlad sa pag-aaral ng iba’t-ibang aspeto ng pagnenegosyo sa bukid.
Asahan ninyo ang buong suporta ng pamahalaang lokal para sa mga magsasaka sa Bayan ng Hermosa. Mahuhay po kayo!
#LipadHermosa 🚁
#1Bataan ☝️