
MASAYANG PAGKIKITA WITH MAYOR ALEX ACUZAR
Nakipagpulong tayo kay Samal Mayor Alex Acuzar sa ating tanggapan ng Bataan Baseco Joint Venture Inc. (BBJVI) sa Pasay City, kung saan pinag-usapan po namin ang pagpapalawig ng turismo at investment opportunities sa Bataan gayundin ang ilang mga programa at proyektong isinusulong sa ilalim ng BBJVI.
Bukod sa pagiging isang magaling na lingkod-bayan, si Mayor Alex ay isa rin pong matagumpay na negosyante. Kaya naman, lubos po natin siyang hinahangaan.