May 18, 2023 – Hermosa, Bataan
MARAMING SALAMAT SGLG AT DILG PARA SA MAS MAAYOS NA KALSADA SA BRGY. PALIHAN DITO SA BAYAN NG HERMOSA
Pormal ng binuksan ngayong araw ang bagong kalsada ng Brgy. Palihan na mula sa pondo ng Seal of Good Local Governance Incentive (SGLG) at sa tulong ng Department of the Interior and Local Government (DILG) at ng Lokal na Pamahalaan ng Hermosa na pinangunahan ni Provincial Director Belina Herman at Hon. Rogelio Manarang bilang kinatawan ng inyong Lingkod.
Dahil sa proyektong ito ay magbubunsod ng paglago at pag-unlad ng ating komunidad at magbibigay ng mas maayos at ligtas na kalsada sa ating Barangay.
Ang inyong suporta para sa konstruksyon ng ating kalsada ng barangay ay nagpapahiwatig ng inyong malasakit at dedikasyon sa pagpapabuti ng pamumuhay ng ating mga mamamayan. Tayo ay nagtataguyod ng mga kalsadang magiging pundasyon ng pag-unlad at pagkakaisa ng ating barangay.
Kasama natin dito sina Municipal Engineer Jasmin Ricibe, CESO V, Municipal Administrator Rex Jorge, Brgy. Capt. Lamberto Suelto, Konsehal Lou Narciso, Konsehal Jason Enriquez, ABC Roberto Rosel at Municipal DILG Vernita Dela Torre.
Maraming Salamat SGLG at DILG sa walang sawang suporta sa Bayan ng Hermosa!
Sama-sama tayo sa patuloy na paglipad ng Bayan ng Hermosa!
#LipadHermosa 🚁
#1Bataan ☝️
To Create a Positive Environment for Sustainable Development through Continuous Improvement and Innovation in Inclusive Governance and Responsible Citizenship.
By 2030, Hemosa will be a Prime Investment and Agro-Industrial Hub with Empowered Active Citizenry coupled with capable and responsible Leaders Geared towards Sustainable Development, Disaster-Resilient, and Adaptive to Climate Change.
(047)-300-6750/ 0917-844-3453
Office Hour:
Mon - Fri: 8am - 5pm
Brgy. Burgos-Soliman St
Hermosa, Philippines 2111
All content is public domain unless otherwise stated.
LEGISLATIVE
REPUBLIC OF THE PHILIPPINES
Official Directory