Maraming salamat sa Tulong Pinansyal, Lungsod ng Makati!
Disyembre 9, 2024 – Makati City
Ngayong araw, personal nating tinanggap, kasama ang ating Municipal Treasurer na si Rhodora Manalansan, ang tulong pinansyal mula sa Lungsod ng Makati — isang cheque na nagkakahalaga ng ₱1,000,000.00. Ang tulong na ito ay bahagi ng programang naglalayong suportahan ang mga lokal na pamahalaan sa bansa na naapektuhan ng Habagat at mga bagyong Butchoy at Carina.
Ang cheque ay pormal na iniabot sa atin nina Makati City Mayor Abby Binay, 1st District Congressman Kid Peña, 2nd District Congressman Luis Campos, at iba pang miyembro ng Makati City Council.
Ang pondo ay ilalaan ng Pamahalaang Bayan ng Hermosa upang direktang matulungan ang ating mga kababayang nasalanta ng mga naturang sakuna.
Muli, taos-puso kaming nagpapasalamat sa Lungsod ng Makati para sa kanilang malasakit at pagtulong sa panahon ng pangangailangan.
SAMA-SAMA SA PAGLIPAD NG HERMOSA!
#LipadHermosa #Hermosa #1Bataan #Bataan
VIEW FACEBOOK POST: https://www.facebook.com/share/p/19Fa6L35t4/