
Maraming Salamat Jobin SQM, INC. Para sa Tulong Pangkabuhayan at Pang-kapaligiran
July 03, 2023 – Hermosa, Bataan
Maraming Salamat Jobin SQM, INC. Para sa Tulong Pangkabuhayan at Pang-kapaligiran
Ngayong araw ay pormal na tinanggap ng ating bayan ang bahagi nito sa pondo na inilalaan para sa host LGU ng mga planta ng kuryente ayon sa DOE Energy Regulations I-94 na itinakda ng RA 7638.
Pinangunahan ni Jobin SQM, Inc., Asst. Vice President at HR & Corporate Services Head APRIL ANN B. NERVA ang pormal na pagbigay ng nasabing pondo kasama ang inyong lingkod na ginanap sa Hermosa Assembly Hall.
Ang pondo ay ilalaan para sa tulong pangkabuhayan para sa ating mangingisda sa pamamagitan ng pagbili ng mga kagamitan sa kanilang mga hanapbuhay.
Ang barangay MRF (Material Recovery Facility) naman ay para maisaayos at mapaghusay ang pangangasiwa ng mga basura sa barangay, na nagreresulta sa mas malinis na kalsada, mga ilog, at mga kapaligiran.
Kasama sina Jobin SQM, Inc. Community Relations Asst. Manager Angeli Eclevia-Albarda, Pollution Control and Environment Asst. Manager Patrick Reden Valenzuela. Nakasama din mula sa panig ng LGU sina Municipal Agriculturist Head Vincent Mangulabnan at Hermosa MENRO Head Jesus De Luna.
Maraming Salamat sa JOBIN SQM, INC. sa patuloy na pakikipagugnayan ninyo para sa patuloy na paglipad ng Bayan ng Hermosa. Mabuhay po kayo!
#LipadHermosa 🚁
#1Bataan ☝️