MARAMING MARAMING SALAMAT SA BIYAYA PARA SA BAYAN NG HERMOSA, PANGUKONG FERDINAND “BONGBONG” MARCOS

March 31, 2023 – Limay, Bataan
MARAMING MARAMING SALAMAT SA BIYAYA PARA SA BAYAN NG HERMOSA, PANGUKONG FERDINAND “BONGBONG” MARCOS
Pinangunahan ng ating Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pamamahagi ng iba’t-ibang tulong para sa ating Bayan at Lalawigan ng Bataan kaisa ang ilang sangay ng Pamahalaang Nasyonal tulad ng Department of Agriculture, Department of Social Welfare and Development (DSWD), Department of Trade and Industry (DTI) at Department of Labor and Employment (DOLE) kasama si Vice Mayor Patrick Rellosa bilang kinatawan ng inyong Lingkod na ginanap sa Limay Sports Complex, Bataan.
Isa ang ating Bayan na pinagkalooban ng mga kagamitang nakakatulong sa mas produktibong pangingisda dito sa Brgy. Almacen at pagsasaka ng samahan ng St. Joseph Farmers Association. Tayo rin ay nagbigyan ng badyet na nagkakahalaga ng ₱90,314,410.62 na personal na tinanggap ni Vice Mayor Patrick Rellosa, ito ay para sa pagsasaayos ng ating daan mula sa Sitio Nazareno – Culis patungong Pamilihan Bayan ng Hermosa. Dahil dito ay mas mabilis na makararating ang mga produkto sa merkado at magkakaroon ng mas maayos na supply ng mga produktong pang-agrikultura. Ito ay magdudulot ng pagtaas ng demand at presyo ng mga produkto, na magiging makatutulong sa pag-unlad ng buhay ng mga magsasaka dito sa ating Bayan. Kaya’t hindi lamang ito isang proyekto ng kalsada, kundi isang hakbang tungo sa mas maunlad na kinabukasan ng ating komunidad.
Kasama rin natin sina Municipal Agriculture OIC Vincent Mangulabnan, Konsehal Jason Enriquez, Konsehal Lou Narciso at Konsehala Luz Jorge-Samaniego.
Muli, Maraming Salamat sa ating Mahal na Pangulong Ferdinand “BongBong” Marcos Jr. sa walang sawang Suporta para sa ating Bayan at Lalawigan ng Bataan. Mabuhay po kayo!
Sama-sama sa patuloy na paglipad ng Bayan ng Hermosa!
#LipadHermosa 🚁
#1Bataan ☝️

Mission

To Create a Positive Environment for Sustainable Development through Continuous Improvement and Innovation in Inclusive Governance and Responsible Citizenship.

Vision

By 2030, Hemosa will be a Prime Investment and Agro-Industrial Hub with Empowered Active Citizenry coupled with capable and responsible Leaders Geared towards Sustainable Development, Disaster-Resilient, and Adaptive to Climate Change.

Municipality of Hermosa Province of Bataan

  • (047)-300-6750/ 0917-844-3453

  • Office Hour:
    Mon - Fri: 8am - 5pm

  • Brgy. Burgos-Soliman St
    Hermosa, Philippines 2111

QUICK LINKS

EMERGENCY HOTLINES

  • POLICE STATION

    • 0998-598-5360
    • 0995-324-1873
  • FIRE STATION

Copyright © 2020. Municipality of Hermosa, Province of Bataan. All rights reserved. Powered by:
Official Website of Municipality of Hermosa