Skip to main content

Manalansan Sunflower Farm, Hermosa, Bataan

Personal na binisita ni Mayora Anne Inton ang trending ngayon na tourist attraction sa Hermosa, ang SUNFLOWER FARM, na matatagpuan sa Boundary ng Brgy. Cataning at Brgy. Pulo, Hermosa, Bataan.

Kasama ring bumisita sina Konsehala Luz Jorge Samaniego at mga officers ng INA NG HERMOSA na sina Pres Janet Juanta, Pres Amy Rayo at Pres Lorna Ochoa.

Ang SUNFLOWER FARM ay likha ng 3rd Year BPSU student na si Rose Marie Manalansan. Kasama niya rin sa proyektong ito ang kanyang magulang at ang kanyang partner na si Apple Queen Quijano.

Kahanga-hanga itong atraksyon na ito sa ating bayan! Perfect ngayong Valentine’s Day!

Meron din silang mga sariling likhang sunflower bouquets na pwedeng orderin.

Tara na! Bisitahin ang SUNFLOWER FARM sa Hermosa, Bataan!

Official Website of Municipality of Hermosa