MALIGAYANG PAGDATING SA BAYAN NG HERMOSA, BIRHENG MILAGROSA NG ORANI!
September 8, 2026 – Hermosa, Bataan
Sinalubong po natin ngayong araw ang banal na imahen ng Mahal na Birheng Milagrosa ng Orani sa ating bayan at sa ating simbahan.
Sa paggunita sa kanyang kaarawan, nawa’y ang kanyang pagdalaw ay magsilbing daluyan ng biyaya, pag-asa, at pagpapala para sa ating bayan at sa bawat pamilyang Hermoseño.
Mahal na Birheng Milagrosa ng Orani, ipanalangin mo kami. Amen.









