Makulay na pagdiriwang ng ika-269 Araw ng Pagkakatatag ng Hermosa
Pinasigla ng makulay na fireworks display at tampok na performance ng HOM Duo ang gabi ng mga Hermoseño bilang paggunita sa ika-269 Araw ng Pagkakatatag ng Bayan ng Hermosa. Ginanap ito sa PHirst Centrale Hermosa sa Brgy. Mambog.
Ang selebrasyon ay pinangunahan ni Mayora Anne Inton bilang kinatawan ng inyong lingkod. Kasama rin sa kasiyahan sina Bokal Tonyboy Roman at ang Team Lipad Hermosa upang ipahatid ang kanilang mainit na pagbati sa lahat ng Hermoseño.
Maligayang ika-269 Araw ng Pagkakatatag sa ating minamahal na Bayan ng Hermosa! Ating ipagpatuloy ang pagkakaisa at pagmamahal sa natatangi nating bayan.
SAMA-SAMA SA PAGLIPAD NG HERMOSA!
#LipadHermosa #Hermosa #1Bataan #Bataan