Skip to main content

MAKINARYA PARA SA BAYANING MAGSASAKA AT MANGINGISDA NG ATING BAYAN

February 15, 2024 – Hermosa, Bataan
Ngayong araw, tayo ay nagpamigay ng iba’t ibang uri ng makinarya mula sa pondo ng ating lokal na pamahalaan, sa ating mga masisipag na magsasaka at mangingisda na itinuturing na bayani ng ating bayan dahil sa kanilang sipag at mga sakripisyo.
Ang initiatibo na ito ay itinuturing na kauna-unahan sa Probinsya ng Bataan, dahil ito ay nagmula ito mismo sa pondo lokal ng amahalaan. Ito ay upang patuloy na bigyang pugay ang kanilang dedikasyon at determinasyon sa kanilang paghahanapbuhay.
Kasama ng inyong lingkod sa nasabing aktibidad ang ating Municipal Agriculturist na si Mr. Vincent Mangulabnan. Nagtulungan din ang iba’t ibang mga lider ng ating bayan, kasama sina Kgg. Roger Manarang, na siyang pinuno ng Sangguniang Bayan sa Agrikulutura; si G. Pike Datu, isang konsultant sa Agrikultura; si G. Rodolfo David, ang kasalukuyang Chairman ng MAFC at PUSLAK FA; si G. Aries Regala, ang Chairman ng MFARMC; at si G. Darwin Bonagua, ang Chairman ng BARBA.
Magbigay daan nawa ang mga modernong kagamitang ito, upang mas lalo pang mapabuti ang kanilang kabuhayan! Patuloy nating suportahan ang sektor ng Agrikultura sa ating bayan!
SAMA-SAMA SA PAGLIPAD NG HERMOSA!
#LipadHermosa
#1Bataan

Official Website of Municipality of Hermosa