MAGANDANG BALITA PARA SA HERMOSA 💙
Naaprubahan na sa Third Reading ang House Bill 611 na naglalayong gawing special non-working holiday ang Hermosa Day tuwing May 8. Kailangan na lang sang-ayunan ito ng Senado at Pangulo para maisabatas.
Layunin ng panukalang ito na mas mabigyan ng pagkakataon ang mga Hermoseno na makiisa sa pagdiriwang ng kasaysayan, kultura, at pagkakakilanlan ng bayan.
Isang hakbang ito para mas mapahalagahan at maipagdiwang ang mayamang kasaysayan ng Hermosa kasama ang buong komunidad.
#SerbisyongMayPuso #WalangLAWkohan
CLICK HERE:https://www.facebook.com/share/p/1HThg4yWnm/