Skip to main content

MABUHAY ANG ATING MGA KAPULISAN!

MABUHAY ANG ATING MGA KAPULISAN!
HIGHLIGHTS | NUMBER 1 REGIONWIDE IN POLICE REGIONAL OFFICE 3 UNIT PERFORMANCE EVALUATION RATING.
Muling ginawaran ang ating mga Kapulisan ng 1st rank Unit Performance Evaluation Rating (UPER) sa buong rehiyon na nagkamit ng marka na 98.33% (Municipality Category) para sa 116 Municipal Police Station sa Police Regional Office III para sa buwan ng Hulyo 2022, ito ay mula sa suporta ng Lokal na Pamahalaan ng Hermosa, sa pangunguna ng inyong lingkod at sa masipag na pamumuno ni PMAJ Emerson Coballes- Chief of Police.
Binigyan natin ng PLAQUE OF APPRECIATION ang ating mga Kapulisan. Bilang pasasalamat at pagkilala sa kanilang walang sawang suporta, dedikasyon at serbisyo sa ating Komunidad.
Ang nasabing parangal ay bunga ng kanilang pagsusumikap, at sa mahusay na pagpapatupad ng batas at pagsasagawa ng mga programa at serbisyo ng pwersa ng kapulisan ng ating Bayan.
Mabuhay ang ating mga Kapulisan, Isang pagsaludo po sa inyo! Sama-sama sa patuloy na paglipad ng Bayan ng Hermosa.
#LipadHermosa 🚁
#1Bataan ☝️

Official Website of Municipality of Hermosa