Skip to main content

LMP GENERAL ASSEMBLY 2026

March 9, 2026 – Pasay City

DAY 1
Dumalo at nakiisa po tayo ngayong araw sa 2026 General Assembly ng League of Municipalities of the Philippines (LMP) na ginanap sa Marriott Hotel, Pasay City, kung saan nakasama rin natin ang ilang Punong Bayan mula sa Lalawigan ng Bataan, gaya nina Mayor Erik Martel at Mayor Leila Linao-Muñoz.

Tinalakay po dito ang mga mahahalagang usapin kaugnay ng patuloy na pagpapaunlad ng mga bayan sa buong bansa. Kabilang dito ang mga mungkahing reporma sa Local Government Code, pagpapalakas ng kapasidad ng mga lokal na pamahalaan, at pagpapatupad ng mga programang magtataguyod ng mas inklusibo at sustenableng pag-unlad ng ating mga komunidad.
Nagkaroon din po tayo ng pagkakataong makausap at makipagkamustahan kay DepEd Secretary Sonny Angara, kung saan napag-usapan din ang kahalagahan ng patuloy na pagtutulungan ng pambansa at lokal na pamahalaan para sa kapakanan ng edukasyon at kinabukasan ng ating mga kabataan.

SAMA-SAMA SA PAGLIPAD NG HERMOSA!
#LipadHermosa #1Bataan

Click here: https://www.facebook.com/share/p/1Dn1myDwn2/

Official Website of Municipality of Hermosa