Skip to main content

LMP BATAAN CHAPTER MEETING

October 22, 2026 – Hermosa, Bataan

Dumalo po tayo sa buwanang pagpupulong ng League of Municipalities of the Philippines (LMP) – Bataan Chapter na ginanap sa Bayan ng Mariveles, kasama ang ating mga kapwa lingkod-bayan mula sa iba’t ibang bayan ng Bataan.

Mahalaga po ang pagpupulong na ito upang higit pang mapalakas ang koordinasyon at pagtutulungan ng mga lokal na pamahalaan, gayundin ang pagkakaisa sa mga programa at proyektong naglalayong mapabuti ang paghahatid ng serbisyo sa ating mga kababayan.

Naging bahagi rin po ng pagpupulong ang mga presentasyon mula sa VTSA Power Solutions, TIEZA, Zomwell Energy Phils., IPMR at JC High Eagle Marketing, na nagbahagi ng kanilang mga produkto, serbisyo, at mga posibleng oportunidad para sa mga lokal na pamahalaan.

#LipadHermosa #1Bataan #HermosaBataan

CLICK HERE: https://www.facebook.com/share/p/1DpFvGEDvj/

Official Website of Municipality of Hermosa