Skip to main content

LMP BATAAN CHAPTER MEETING

Naging host po ang Bayan ng Hermosa sa ginanap na League of Municipalities of the Philippines (LMP) – Bataan Chapter Meeting sa PHirst Centrale Hermosa, kung saan nagsama-sama ang mga Mayors ng lalawigan at iba’t ibang partner agencies upang talakayin ang mahahalagang programa at inisyatiba para sa patuloy na pag-unlad ng mga lokal na pamahalaan.

Kabilang po sa mga pangunahing tinalakay ang mga usapin sa kalusugan, kaligtasan at innovation, gayundin Bataeño Pass, at iba pang programang magpapalakas sa paghahatid ng dekalidad na serbisyo sa ating mga kababayan.

Nakasama rin po natin ang mga kinatawan mula sa Provincial Government of Bataan, Department of Health (DOH), Philippine National Police (PNP), Philippine Coast Guard, Panco Medical Trading Inc., PHirst Park Homes, Garren Company, at Infinivan, na nagbahagi ng kanilang mga programa at serbisyong maaaring maging katuwang ng mga lokal na pamahalaan sa lalawigan.

SAMA-SAMA SA PAGLIPAD NG HERMOSA!

#LipadHermosa
#1Bataan

CLICK HERE: https://www.facebook.com/share/p/1HJ5CxbraL/

Official Website of Municipality of Hermosa