Llana Hermosa
Noong 1756, itinatag ng mga paring Dominikano ang ating bayan. Tinawag itong “Llana Hermosa,” na nangangahulugang mga magandang kapatagan ng mga puting bulaklak.
Nang maging bahagi ng lalawigan, pormal itong tinawag na Hermosa—isang pangalan na naglalarawan hindi lamang sa mga puting bulaklak na bumabalot sa kapatagan, kundi pati na rin sa mga magagandang dalaga at tanawin na nagbibigay kariktan sa ating bayan.
Sa tourism video ng ating kandidata sa Binibining Bataan, tampok ang makasaysayang Llana Hermosa—isang paalala ng ating pinagmulan, ng ating kasaysayan, at ng kagandahang sumasagisag sa ating minamahal na bayan.
SAMA-SAMA SA PAGLIPAD NG HERMOSA!
#SaHermosaAngKorona
#BinibiningBataan
#LipadHermosa
#1Bataan
#LoveThePhilippines