LIPAD KALINGA MENTAL HEALTH PROGRAM SA HERMOSA ELEMENTARY SCHOOL
October 22, 2026 – Hermosa, Bataan
Buong puso po tayong sumusuporta sa patuloy na pagpapatupad ng Lipad Kalinga Mental Health Program sa pangunguna ni Dr. Geofrey Jorge, na nagsagawa ng Mental Health Awareness and Psychosocial Support Lecture para sa mga teaching at non-teaching personnel ng Hermosa Elementary School at Almacen Elementary School.
Malaking tulong po ang programang ito upang higit na mapalawak ang kaalaman ng ating mga kawani sa edukasyon tungkol sa kahalagahan ng mental health, gayundin sa wastong pagtugon sa mga hamong pangkaisipan na maaari nilang maranasan, lalo na ng kanilang mga mag-aaral.
Patuloy po tayong magsusulong ng mga programang nagbibigay-pansin sa kalusugang pangkaisipan upang makabuo ng isang ligtas, maunawain, at mapagkalingang kapaligiran para sa ating mga guro, kawani, at mag-aaral.
#LipadHermosa #1Bataan #HermosaBataan
CLICK HERE: https://www.facebook.com/share/p/1KT7WJFKWT/









