Skip to main content

Lipad Hermosa, wagi sa Kain Convention 2025

Nag-uwi ng pilak ang pambato ng Bayan ng Hermosa na sina Marie Sinongco at Constante Rigpala sa kategoryang Kultura sa Kusina: Lutong Bataeño sa katatapos lamang na Kain Convention na ginanap sa Bataan Tourism Pavilion, Balanga City, Bataan.

Sa Kultura sa Kusina: Lutong Bataeño, ibinida ng ating mga pambato sa kusina ang kanilang kakaibang putahe na Mala Cream Tinapang Kapak with Shrimp Dimsum.

Ito ay bilang paggunita sa Buwan ng Kalutong Pilipino na ginaganap tuiwing Buwan ng Abril upang ipagdiwang ang importansya ng kultura at tradisyon ng pagkaing Pilipino.

Pagbati at pasasalamat, Ma’am Marie at Kuya Con, sa inyong husay na ipinamalas sa KainCon 2025! Gayundin, maraming salamat sa ating Hermosa Municipal Tourism Office, sa pangunguna ni Bea Lim, na tumulong sa ating mga pambato sa kusina.

SAMA-SAMA SA PAGLIPAD NG HERMOSA!
#InaNgHermosa #LipadHermosa #Hermosa #1Bataan #Bataan

Official Website of Municipality of Hermosa