Lipad Hermosa sa 23rd International Network of Affiliated Ports Conference
October 17, 2024 – Subic, Zambales
Dumalo ang inyong lingkod bilang kinatawan ng ating bayang miyembro ng Subic Bay Metropolitan Authority, kasama si Hermosa MPDC Head Jan Eigbert Salenga, sa 23rd International Network of Affiliated Ports (INAP) Conference na ginanap sa Subic Grand Harbour Hotel.
Ang nasabing kumperensya ay taunang pagtitipon ng mga daungang kasapi ng INAP mula sa iba’t ibang bansa, kung saan tinatalakay ang mga kalakaran, hamon, at oportunidad sa pangangasiwa ng mga daungan.
Ang ating pagdalo sa 23rd INAP Conference ay sumasalamin sa ating layunin na palawakin ang koneksyon ng ating lokal na pamahalaan — isang paraan ng pagpapayabong ng ekonomiya sa ating minamahal na Bayan ng Hermosa.
SAMA-SAMA SA PAGLIPAD NG HERMOSA!
#23rdINAPConference #LipadHermosa #Hermosa #1Bataan #Bataan