Lipad Hermosa: Pag-alala sa mga Bayani ng Lahi
Ngayong National Heroes Day, nag-alay po tayo ng bulaklak sa bantayog ni Dr. Jose Rizal sa ating plaza bilang pagpupugay at pag-alala sa kanyang kabayanihan at sa mga sakripisyo ng ating mga bayani.
Ang araw na ito ay hindi lamang para sa mga bayaning nag-alay ng kanilang buhay para sa ating kalayaan, kundi pati na rin sa mga makabagong bayani na patuloy na naglilingkod, nagsasakripisyo, at nagbibigay-inspirasyon sa ating kapwa.
Pagpupugay po sa mga bayani noon at sa mga makabagong bayani ng ating panahon.





