LIPAD ADVISORIES: Executive Order No. 19 Series of 2025
Sa layuning bigyang-daan ang taunang pagdiriwang ng PISTANG BAYAN, idineklara ng inyong lingkod ang Mayo 3, 2025 (Sabado) bilang isang Special Non-Working Holiday sa buong Bayan ng Hermosa, alinsunod sa Executive Order No. 18, Series of 2025.
Ang kapistahang ito ay isang mahalagang bahagi ng ating pananampalataya at kultura. Nawa’y magsilbi itong pagkakataon upang tayo ay magkaisa, magpasalamat, at patuloy na ipamalas ang ating debosyon sa ating Patron.
Inaanyayahan ang lahat na makibahagi sa mga aktibidad at pagdiriwang bilang isang bayan na may iisang layunin — ang pagpupuri sa Diyos at pagbubuklod ng bawat isa.
SAMA-SAMA SA PAGLIPAD NG HERMOSA!
#LipadHermosa #Hermosa #1Bataan #Bataan