Skip to main content

Limang Kilometro para sa mga Magsasakang Hermoseño: Hataw Takbo Magsasaka 2025 ng BARBA isinagawa sa Balsik

Abril 5, 2025 – Hermosa, Bataan

Isang kakaibang Zumba at fun run ang tampok ngayong araw sa “Hataw Takbo Magsasaka 2025”! Sa bawat kilometrong tinakbo ng mga kalahok, may libreng gulay mula sa ani ng mga magsasaka ng Brgy. Balsic. May pa-raffle din ng bigas—lahat mula sa kanilang ani—bilang suporta at pagkilala sa kanilang sipag at ‘di matatawarang kontribusyon sa ating komunidad.

Ang inisyatibong ito ay pinangunahan ng Balsik Agrarian Reform Beneficiaries Association (BARBA) sa pamumuno ni Darwin Bonagua, katuwang ang Barangay Council sa pangunguna ni Kap. Amado Roncal, at ang SK Council na pinangungunahan ni Jericho Layug.

Nagpaabot ng pasasalamat ang BARBA sa buong suporta ng Pamahalaang Bayan ng Hermosa sa pangunguna ng inyong lingkod, Provincial Agriculture Office (Engr. Johanna R. Dizon), Municipal Agriculture Office (Vincent Mangulabnan), at DAR Bataan-Zambales sa katauhan ni DAR, OIC-CARPO Norma Evangelista.

Maraming salamat sa ating masisipag na magsasaka sa Brgy. Balsic at buong Bayan ng Hermosa, kay Konsehala Jinkee Alonzo, Konsehal Jason Enriquez ng Team Lipad Hermosa, at sa mga tumayong sponsors: Solana Solar Beta Inc., Green Roof, at The Fraternal Order of Eagles Sandigan Region XVI.

SAMA-SAMA SA PAGLIPAD NG HERMOSA!
#HatawTakboMagsasaka2025 #LipadHermosa #Hermosa #1Bataan #Bataan

« ‹ of 2 › »
Official Website of Municipality of Hermosa