Ligtas na Hermosa: Barangay DRRM Plan Formulation Training Workshop, isinagawa ng Hermosa
Ngayong araw matatapos ang tatlong araw na pagsasanay ng mga opisyal at kawani ng ating lokal na pamahalaan na may pamagat na, “Baranggay DRRM Plan Formulation Training Workshop.” Ito ay ginaganap sa Subic Bay Peninsular Hotel, Subic Bay Freeport Zone na nagsimula noong Nobyembre 13.
Dinaluhan ang nasabing programa ng mga miyembro ng 23 Barangay Disaster Risk Reduction and Management Committees na binubuo ng mga Punong Barangay, mga Brgy. Secretary at Treasurer, at CSOs/ NGOs/POs. Samantala, ang pagsasanay ay pinangasiwaan nina Morris Jan Auxillos, Office of Civil Defense, R3; Rowena Soriano, Research & Planning Chief, Bataan PDRRMO; at Glenly Monje, Hermosa MDRRMO Head.
Maraming salamat, Mayora ANNE INTON, sa paghahatid sa ating mga trainees, at maging sa Hermosa MDRRMO sa inyong pagsisikap para sa kaligtasan ng ating mga kababayan.
SAMA SA PAGLIPAD NG HERMOSA
#LipadHermosa #Hermosa #1Bataan #Bataan
VIEW FACEBOOK POST: https://www.facebook.com/share/p/15h2N2mfxi/