Ligtas Hermosa: Bakuna kontra rabies para sa Hermosa Fur Babies
Nobyembre 27, 2024 – Hermosa, Bataan
Kasama ang Resident Veterinarian ng ating Municipal Agriculture Office (MAO) na si Dra. Frances Erika D. Malixi, isinagawa ngayong araw sa Brgy. Almacen ang pagtuturok ng Anti-Rabies Vaccine sa mga alagang hayop ng ating mga kababayan. Ito ay parte ng programang isinasagawa ng Hermosa MAO kung saan kanilang iniikot ang bawat barangay sa ating bayan upang magsagawa ng libreng pagbabakuna ng aso at pusa.
Maraming salamat, Hermosa MAO, sa pangunguna ni Vincent Mangulabnan, sa pangangalaga sa kalusugan nila Doggy at Meowy!
SAMA-SAMA SA PAGLIPAD NG HERMOSA!
#LipadHermosa #Hermosa #1Bataan #Bataan
VIEW FACEBOOK POST: https://www.facebook.com/share/p/1KKi2bCakD/