Ligtas ang may Alam: PDRRMO Orientation on Early Warning Communication and PAG-ASA Advisory

January 24, 2023 – Hermosa, Bataan
Ligtas ang may Alam: PDRRMO Orientation on Early Warning Communication and PAG-ASA Advisory
Tayo po ay nagkaroon ng orientasyon tungkol sa maagang babala at PAG-ASA Advisory ngayong araw ng Martes, ika-24 ng Enero na ginanap sa Hermosa Covered Court. Kasama si Konsehal Lou Narciso na kinatawan ng inyong lingkod.
Ang Orientasyong ito ay mahalaga upang maiwasan natin ang mga potensyal na pagkakasakit at panganib sa kaligtasan sa panahon ng mga sakuna. Ang maagang pagbibigay ng mga impormasyon tungkol sa mga posibleng panganib na dulot ng mga sakuna gaya ng bagyo, lindol, sunog at iba pa ay malaking tulong para sa paghahanda sa mga darating pang araw, habang ang pag-asa advisory naman ay nagbibigay ng mga rekomendasyon at payo sa atin kung paano mag-handa at kumilos sa panahon ng sakuna. Ito ay para mas lalo pa nating mapalakas ang ating kakayahan upang makaiwas sa mga potensyal na panganib at maprotektahan ang ating sarili at pamilya.
Nagsagawa rin tayo ng Demo para sa “Basic Life Support” para sa mga pangunahing ginagawa upang maprotektahan ang ating buhay tulad ng Cardiopulmonary Resuscitation o CPR at iba pa.
Kasama rin natin sina PDRMMO Head Glenn Diwa na kinatawan ni Governor Joet Garcia, General Manager MBDA Bong Pizarro at Bureau of Fire Protection Hermosa Insp. Rusoler Tayag.
Maraming Salamat po!
#LipadHermosa 🚁
#1Bataan ☝️
« of 2 »

Mission

To Create a Positive Environment for Sustainable Development through Continuous Improvement and Innovation in Inclusive Governance and Responsible Citizenship.

Vision

By 2030, Hemosa will be a Prime Investment and Agro-Industrial Hub with Empowered Active Citizenry coupled with capable and responsible Leaders Geared towards Sustainable Development, Disaster-Resilient, and Adaptive to Climate Change.

Municipality of Hermosa Province of Bataan

QUICK LINKS

EMERGENCY HOTLINES

  • POLICE STATION

    • 0998-598-5360
    • 0995-324-1873
  • FIRE STATION

Copyright © 2020. Municipality of Hermosa, Province of Bataan. All rights reserved. Powered by:
Official Website of Municipality of Hermosa