Skip to main content

Libreng Meat Processing Training para sa mga Ina ng Hermosa

Mayo 16, 2025 – Hermosa, Bataan

Nagsagawa ng libreng pagsasanay sa meat processing partikular ang paggawa ng tocino at siomai ang ating Municipal Agriculture Office (MAO), na pinangungunahan ni Municipal Agriculturist Vincent Mangulabnan. Ito ay ginanap sa Hermosa Covered Court at nilahukan ng mga miyembro ng Ina ng Hermosa.

Ang programang ito ay naglalayong magbigay ng bagong oportunidad sa ating mga kababayan upang magkaroon ng karagdagang kaalaman at kakayahan na magagamit nila sa paghahanapbuhay. Sa ganitong paraan, mas marami ang magkakaroon ng pagkakataong makatulong sa kanilang mga pamilya at makapag-ambag sa pag-unlad ng komunidad.

Maraming salamat sa lahat ng mga Ina ng Hermosa na nakiisa at nakasama natin ngayong araw, maging kina MAO Agriculture Consultant Pike Datu, Municipal Veterinarian Dra. Erika Malixi, at ang mga naging instructors ngayong araw na sina Bb. Trinidad Tallorin at Bb. Friedpal Sabino mula sa Provincial Veterinary Office, sa pagpapakita ng kanilang suporta sa nasabing pagsasanay.

SAMA-SAMA SA PAGLIPAD NG HERMOSA!
#InaNgHermosa #LipadHermosa #Hermosa #1Bataan #Bataan

Official Website of Municipality of Hermosa