Skip to main content

LIBRENG KONSULTA SA MATA SA RHU, SINIMULAN NA! July 30, 2026 – Hermosa, Bataan

Sinimulan na po ngayong araw ang libreng konsultasyon sa ophthalmologist para sa ating mga kababayang nais magpatingin at mapangalagaan ang kalusugan ng kanilang mga mata.
Personal po nating binisita ang aktwal na konsultasyon kasama si Konsehala Gelly Santos upang makita at makumusta ang ating mga kababayan na nakatanggap sa nasabing programa.
Tuwing Huwebes ang libreng eye consultation. Magtungo lamang po sa Super RHU Hermosa-Mandama upang makapagparehistro at makapagpakonsulta.
SAMA-SAMA SA PAGLIPAD NG HERMOSA!
Official Website of Municipality of Hermosa