LIBRENG KONSULTA SA MATA SA RHU, SIMULA NA BUKAS!
Simula na bukas, ika-30 ng Hulyo, ang libreng konsultasyon sa ophthalmologist para sa ating mga kababayang nais magpatingin ng kanilang mga mata. Maaari kayong magpa-check up para sa mga kondisyon tulad ng glaucoma, cataract, eye injury, diabetic retinopathy, at iba pang sakit sa mata.
Libre rin po ang eye screening at konsultasyon sa ophthalmologist. Upang maka-avail ng serbisyo, magdala lamang ng photocopy ng inyong valid ID, Certificate of Indigency mula sa inyong barangay, at tiyaking kayo ay PhilHealth member o registered dependent.
Kinakailangan ding makumpleto ang PCU.
Maaaring i-check sa link na ito[ https://pcu.philhealth.gov.ph/](https://pcu.philhealth.gov.ph/) at magdala ng screenshot bilang patunay.
Huwag palampasin ang pagkakataong ito upang mapangalagaan ang kalusugan ng inyong mga mata. Inaanyayahan po ang lahat ng kwalipikadong benepisyaryo na samantalahin ang libreng serbisyong ito.
SAMA-SAMA SA PAGLIPAD NG HERMOSA!
Click here: https://www.facebook.com/share/p/1LiXRQ58VP/