Skip to main content

LIBRENG BAKUNA LABAN SA PNEUMONIA!

August 28, 2022- Hermosa, Bataan
LIBRENG BAKUNA LABAN SA PNEUMONIA!
Nagkaroon po tayo ng programang Libreng Bakuna para sa Pulmonya na hatid sa atin ng magkakasamang pwersa ng TINGOG PARTY LIST, LIAN SHENG Steel Manufacturing, Batch 8 Brotherhood, Fire and EMS Volunteer Group at ang Local Government of Hermosa na isinagawa noong Linggo, August 28, 2022 sa Rural Health Unit, Palihan, Hermosa, Bataan.
Dinaluhan ito ni Mayora Anne Inton kasama ang mga representatives at mga doctor at nurses ng ating mga partner organizations pati na ang ating RHU Employees at ang BFP sa pangunguna ni Fire Chief Rusoler Tayag.
Maraming Maraming Salamat po sa hatid ninyong Libreng Bakuna para sa ating mga Kababayan! MABUHAY!
Sama-sama sa Patuloy na Paglipad ng Bayan ng Hermosa!
#LipadHermosa
#1Bataan
« of 2 »
Official Website of Municipality of Hermosa