
LGU HERMOSA, NAKIISA SA COASTAL CLEAN-UP
LGU HERMOSA, NAKIISA SA COASTAL CLEAN-UP
Buong pwersang nakiisa ang Lokal na Pamahalaan ng Hermosa sa pagdiriwang ng International Coastal Clean-up 2022 sa ating Bansa ngayong araw, kasama ang mga kawani ng Lokal na Pamahalaan, Vice Mayor Patrick Rellosa, Konsehal Jason Enriquez, Municipal Administrator Rex Jorge, mga Hermosa Marshals, Hermosa PNP, Hermosa BFP, mga SK at iba pang mga boluntaryo.
Layunin ng coastal clean-up na ito upang hikayatin ang mga tao sa buong mundo na alisin ang mga basura mula sa mga dalampasigan, daanan ng tubig, at iba pang mga magiging sanhi ng pagkabara ng tubig.
Maraming Salamat po sa inyong pakikiisa, Mabuhay po kayo!

#LipadHermosa 

#1Bataan 
