Skip to main content

LGU Hermosa, Nakiisa sa Coastal Clean Up

September 16, 2023 – Hermosa, Bataan
Nakiisa ang bayan ng Hermosa sa pagdiriwang ng International Coastal Cleanup 2023 sa pangunguna ni Mayora ANNE INTON na kumatawan sa inyong lingkod kasama ang mga kawani ng ating pamahalaang lokal ng Hermosa.
Ang aktibidad na ito ay upang protektahan ang kalikasan, at magsagawa ng kampanya tungkol sa pag-aaksaya ng basura at kahalagahan ng pangangalaga sa kalikasan. Sa pamamagitan nito, magkakaroon tayo ng pagkakataon na maipahayag ang pagmamalasakit sa kalikasan at magkaroon tayo ng sapat na kaalaman tungkol sa epekto ng basura at karagatan.
Maraming salamat po sa inyong pakikiisa, Mabuhay po kayo!
#LipadHermosa 🚁
#1Bataan ☝️

Official Website of Municipality of Hermosa